Monday, February 20, 2012

13-th translation of my Rules- in Tagalog!

Provided with generosity by my new friend whose name "Do Miracles"
is very realistic and adequately describes his activity.

I think, I exist. I decide I live. I solve problems, I live with a purpose.”

ako'y nag iisip, akoy nandirito, akoy nag dedecisyon, akoy nabubuhay, akoy lumulutas ng problema, akoy nabubuhay na may layunin.


1. There are NO isolated problems, they always come in dynamic bunches

walang watak-watak o iisang problema, lagi silang dumarating na bungkos-bungkos

2. There are NO final solutions for the really great problems, these have to be solved again and again.

walang pinal na solusyon para sa mga malaking problema, ang mga ito ay dapat resulbahin ng paulit ulit.

3. NOT solving the problem, but defining it is the critical step .

hindi ang pagresolba sa problema, datapuwat ang pag-papahayag ng kahulugan ay ang kritikal na hakbang.


4. NOT the unknown data, but those known and untrue are the greatest obstacle to ths solution.

hindi ang hindi nalalamang datos, datapuwat ang mga nalalamang datos at hindi totoo ay ang malaking balakid sa solusyon.


5. .NOT what we know, but what we don’t know is more important for solving the problem.

hindi ang ating alam, datapuwat ang hindi natin alam ay mas mahalaga sa pag resulba ng problema.


6. NOT the main desired positive effect, but those secondary negative and/or undesired effects decide in most cases if a solution is implemented.

hindi ang mismong inaasam na positibong epekto, daapuwat ang mga segundang negatibo o hindi nais na epekto ay ang kadalasang nag dedesisyon kung may solusyon na ipinatupad

7. NOT all problems have a complete, genuine solution.

hindi lahat ng problema ay may kumpleto at totoong solusyon

8 .NOT the solutions that seem perfect from the start, but those which are very perfectible are the best in many cases.

hindi ang solusyon na parang perpekto sa una, datapuwat ang parang puwedeng maging perpekto ay ang pinaka mahusay sa maraming pagkakataon.


9. NOT the bright, shiny, spectacular solutions but those elaborated, worked out with difficulty and effort and patience are more valuable and have a larger area of applicability.

hindi ang maliwanag, makintab at kahindik hindik na solusyon, datapuwat ang mga mainam, inayos na pinaghirapan at pinagtiyagaan ay mas mahalaga at may mas malaking saklaw ng paggagamitan.

10.NOT the solutions that are logical and perfectly rational, but those that are adequate for the feelings of the potential users, even if they are ilogical, have the greatest chances of fast implementation.

hindi ang solusyon na lohikal at makatuwiran, datapuwat ang mga husto sa mga saloobin ng mga potensyal na gagamit, kahit na ito ay ilohikal ay ang may malaking chansa na maipatupad ng mabilis.


11. NOT the quality of the solution but the speed of its implementaion is the decisive factor in many cases. It can be better to have a partial 
solution applied fast than a slower almost perfect solution.

hindi ang kalidad ng solusyon, ngunit ang bilis ng pagpapatupad nito ay ang mahalagang aspeto sa maraming pagkakataon. mas mabuting magkaroon ng mabilis na pansamantalang solusyon, kaysa sa mabagal at halos perpektong solusyon.


12. NOT always long hours of hard work and great efforts, but (sometimes) relaxation and fun is the best way to obtain solutions for (awfully) difficult problems.

hindi parating ang mahabang oras ng pagtratrabaho ng mabuti at malaking pagsisikap, minsan ang pag re-relaks at kasiyahan ay ang mainam na paraan para magkaroon ng solusyon sa mga mahirap ng problema.

13. NOT our own problems, but the problems of other people are usually more boldly and creatively solved by us

hindi ang ating pansariling problema, ngunit ang problema ng ibang tao ay madalas mas mapangahas at malikhain natin na-reresolba.


14 NOT the solutions worked out by us, but those borrowed. bought or stolen from others are more easily accepted and implemented.

hindi ang solusyon na ginawa natin, ngunit ang mga hiniram, binayaran, o ninakaw sa iba ay mas madali tanggapin at ipatupad.


15 NOT the enhancement of human strengths but the limitation
of human weaknesses is more useful for efficient problem solving

hindi ang pagpapataas ng lakas ng tao, ngunit ang limitasyon ng kahinaan ng tao ay mas mapapakinabangan sa mabisang pag-lutas sa problema.


16- NOT the very careful perfect planning, but the smart assuming of risks and firm decision taking are the practical keys to successful problem 
solving.

hindi ang maingat at perpektong pag-plaplano, ngunit ang matalinong pag-tancha sa mga mapangahas at matigas na pag dedesisyon. ay ang praktikal na susi sa matagumpay na pag-lutas sa problema.


17. NOT always the existent, real problems, but many times the fictive, imaginary ones are the most difficult to be solved.

hindi parati ang naririyan at tunay na problema, ngunit madalas ang likhang isip na mga ito, ang madalas na mahirap solusyonan.


18. Do NOT accept the premises of the problem, change them as necessary and possible.

huwag tatanggapin ang mga parte ng problema, palitan sila kung kinakailangan at kung possible.


19. Do NOT stop at the first solution, seek for alternatives.

huwag huminto sa unang solusyon, maghanap ng alternatibo.

However, for the really advanced problem solvers, there is a SUPER –RULE- the most important of all;

ngunit para sa mga magagaling sumolusyon sa problema, may isang pinaka alituntunin na pinaka importante sa lahat;


20. NOT the wise application of these rules but the finding of the specific exceptions to these, is the real high art of problem solving.

hindi ang matalinong pagpapatupad nitong mga alituntunin, ngunit ang paghahanap ng espesipikong pambukod sa mga ito, ay ang tunay na sining ng paglutas ng problema.

No comments:

Post a Comment